Half-brother ni Gov. Bong, tatakbong mayor

SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Nais sundan nito ang yapak ng kanyang amang senador at kapatid sa labas na isang gobernador, sa pagtahak ng isang Revilla sa pulitika na balak tumakbong alkalde sa lugar na ito.

Ayon kay Ramon Revilla-Bautista, kung kagustuhan lang niya ang masusunod nais nitong makasama sa kanyang pangangampanya ang amang si Senador Ramon Revilla Sr. at kapatid na si Cavite Gov. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. at ito rin umano ang kahilingan sa kanya ng mga supporters.

Ang batang Revilla, 46, ay wala pang partido sa kasalukuyan at naging popular sa kanilang lugar dahil sa kanyang apelyido.

Makakaharap nito sa pagka-alkalde si Allen Nagaño asawa ng incumbent Mayor Sonny Nagaño na matatapos ang termino ngayong taon. (Ulat ni Manny Galvez)

Show comments