^

Probinsiya

2 tribo nagsagupa, isa napatay

-
BAGUIO CITY – Pinangangambahang sisiklab ang isang digmaan sa pagitan ng dalawang tribo matapos maganap ang isang engkuwentro na ikinamatay ng isa rito at pagkasugat ng ilan.

Sa pangyayaring ito, naalarma ang lokal na pamahalaan dahil sa masisira ang Zone of Peace dito matapos magbakbakan ang dalawang tribo sa Gibraltar kamakailan.

Hindi binanggit sa ulat na pinadala ng Human Resource Development Office kay Mayor Mauricio Domogan kung sino ang napatay at nasugatan.

Napag-alaman din na hindi uso sa mga tribo ang magsampahan ng kaso sa korte bagkus ito ay dinadaan na lamang sa paghihiganti at patayan na walang pakundangan. Higit namang pinangangambahan ni Domogan na madamay ang mga estudyante na walang kinalaman sa tribal wars at aniya, ito ay kailangang ayusin ng pulisya.

Ang Baguio City ay kilalang pinakatahimik na lunhsod sa bansa. (Ulat ni Myds Supnad)

ANG BAGUIO CITY

DOMOGAN

HIGIT

HUMAN RESOURCE DEVELOPMENT OFFICE

MAYOR MAURICIO DOMOGAN

MYDS SUPNAD

NAPAG

PINANGANGAMBAHANG

ULAT

ZONE OF PEACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with