4 minero nabaon nang buhay
January 28, 2001 | 12:00am
Apat na minero ang pinangangambahang nasawi matapos na ma-trapped sa gumuhong tunnel sa isang minahan matapos ang isang malakas na pagsabog sa Monkayo, Compostella, kamakalawa.
Gayunman, kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan ng mga biktimang minero.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-11:30 ng umaga nang marinig ang isang malakas na pagsabog na sinundan ng malakas na dagundong at pagguho sa loob ng Australia tunnel, Nang District, Mt. Diwata, Monkayo, Compostella Valley.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, isang makapal na usok na itim ang bumalot sa naturang tunnel at nakulong ang apat na minero na nawalan ng pagkakataong makalabas.
Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga elemento ng Task Group Monkayo upang madetermina kung saan nanggaling ang sumabog na bomba. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest