^

Probinsiya

3 rebel leader kabilang sa nasawi sa sagupaan

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Tatlong matataas na opisyal ng NPA ang nakumpirmang kasama sa mga nasawi sa pakikipagsagupa kamakailan sa tropa ng pamahalaan sa Brgy. San Vicente, Sta. Ignacia, Tarlac, kung saan labing-isang miyembro pa ng rebeldeng grupo ang nasawi, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Kabilang sa mga nasawi sa naganap na labanan ang mga lider ng rebelde na sina Kumander Nelson Mesina, alyas Collin/Gideon, ng Concepcion, Tarlac; Kumander Rosy Montero, alyas Bing, ng Sta. Cruz, Zambales at Kumander Edgardo Manuel, alyas Ka Jose, ng Lubao, Pampanga.

Ayon sa ulat, si Mesina ay isang NPA provincial commander sa lalawigan ng Tarlac at Secretary General ng CPP-Tarlac Provincial Party Committee, samantalang si Montero naman ay isang political officer ng CPP sa naturang lalawigan at si Manuel naman ay secretary general ng Northwestern Pampanga District Committee ng Pampanga Provincial Party Committee ng CPP-NPA.

Magugunitang ang tatlong nabanggit kasama ang labing-isa pa nilang mga tauhan ay pawang nasawi sa pakikipagsagupa sa tropa ng pamahalaan kamakailan sa Brgy. San Vicente, Sta. Ignacia, Tarlac.

Nabatid pa sa ulat na si Mesina ay isa sa mga pangunahing suspect sa pagpaslang sa mga prominenteng indibidwal katulad ni Phil. Army Major Leodegario Adalem noong nakaraang taon. Sangkot din ang grupo nito sa pagpaslang kay Macli-ing Dulag, isang Ifugao tribal leader noong 1980. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

ARMY MAJOR LEODEGARIO ADALEM

BRGY

IGNACIA

JEFF TOMBADO

KA JOSE

KUMANDER EDGARDO MANUEL

KUMANDER NELSON MESINA

KUMANDER ROSY MONTERO

MESINA

SAN VICENTE

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with