^

Probinsiya

Grenade explosion: 2 patay

-
Dalawa katao ang iniulat na nasawi matapos na masabugan ng granada na inihagis sa harapan ng Alala Enterprises sa kahabaan ng Malvar St., Puerto Princesa City , Palawan, kamakalawa.

Namatay noon din ang mga biktimang sina Bebot Padul at Jimmy Pasanting bunga ng tinamong malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-3:25 ng hapon nang bigla na lamang sumambulat ang naturang granada na inihagis ng hindi pa nakikilalang mga salarin.

Sa kasalukuyan, isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng mga awtoridad para mabatid kung sino ang may kagagawan nito at kung ano ang posibleng motibo.

Samantala, binomba ng pinaghihinalaang mga rebeldeng Muslim ang isang simbahan sa Tawi-Tawi na nagwasak sa kongkretong dingding nito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Binanggit sa ulat na dalawang bomba ang sumabog kamakalawa ng gabi sa pader na dingding ng cathedral sa bayan ng Bonggao.

Sinabi ng pulisya na ang naturang pambobomba ay posibleng gawa ng grupo ng Abu Sayyaf, gayunman, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ukol dito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABU SAYYAF

ALALA ENTERPRISES

BATAY

BEBOT PADUL

BINANGGIT

BONGGAO

JIMMY PASANTING

JOY CANTOS

MALVAR ST.

PUERTO PRINCESA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with