Kinilala ang mga nasawi na sina Ian Quijano at ang ka-live-in nito na si Jona Uayan, 23, ng Olutanga, Zamboanga del Sur.
Si Uayan ay nagtamo ng isang tama ng bala ng baril sa ulo na siya nitong dagliang ikinasawi.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-11 ng gabi nang marinig ng mga kapitbahay ng dalawang nasawi ang malakas na alingawngaw ng putok ng baril at ito ay nasundan pa ng isang malakas na putok sa loob ng tinitirhan nitong apartment sa Marquez Compound sa Don Toribio St., Tetuan, Zamboanga City.
Lumilitaw na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Uayan at Quijano matapos umanong magselos ang huli sa kanyang live-in partner na umanoy may lalaking iba maliban sa kanya.
Bunga ng matinding selos sa nasagap na tsismis, nagpasya si Quijano na kitlin ang buhay ni Uayan sa halip na pakinabangan pa ito ng ibang lalaki sa pamamagitan ng pagbaril dito.
Matapos mapaslang ang babae ay itinutok rin nito ang baril sa kanyang sentido at saka nagpakamatay. (Ulat ni Joy Cantos)