Dahil sa ‘torrid kiss’ kay misis, college president kinasuhan
January 27, 2001 | 12:00am
BAMBANG, Nueva Vizcaya – Babala. Alam ba ninyong ang ‘torrid kiss’ o maalab na paghalik sa inyong misis sa harap ng publiko ay maaaring maging dahilan upang mawalan kayo ng trabaho?
Ito kaya ang posibleng mangyari sa isang pangulo ng state college dito, na sinasabing maalab na hinalikan ang kanyang maybahay habang pinapanood ng mga estudyante at guro?
Maaaring labis na nagmamahalan sina Dr. Patricio Unday ng Nueva Vizcaya State Polytechnic College (NVSPC) at misis nitong si Sonia kung kaya natural na natural ang kanilang ginawang paghahalikan na punumpuno ng pagmamahalan, gayunman, sa iba, ang ganitong gawa ay maaaring makapagdulot ng maling impresyon sa mga mag-aaral patungkol sa kung papaano ang marapat na pagharap ng isang tao sa publiko.
Sa isinampang reklamo sa tanggapan ng Ombudsman laban kay Dr. Unday, binanggit ni Joselito Venturina, dating presidente ng Rotary Club dito na walang pakundangang ipinakita ng college president ang nag-aalab na paghahalikan nilang mag-asawa sa harap ng maraming mag-aaral at guro.
Sinabi pa ni Venturina na ang itinuturing na ‘titillating act’ ay naganap sa isinagawang college contest na ito ay ang ‘longest kiss’ noong 1999.
Sa kanyang affidavit, sinabi pa ni Venturina na ang ganitong gawa ng mag-asawang Unday ay isang ‘public display of eroticism’ na hindi marapat para sa isang college president.
Ang naturang paghalik ay isa lamang sa mga isyu na isinampa laban kay Unday na nahaharap din sa 20 counts ng graft and corruption sa tanggapan ng Ombudsman.
Inakusahan din si Unday ng ‘nepotism’ matapos nitong hirangin ang kanyang maybahay bilang dean ng graduate school.
Sinadya ng reporter na ito na kunin ang panig ni Unday subalit hindi ito matagpuan. Gayunman, dinismis ng public relations office ng nabanggit na kolehiyo ang mga alegasyon kasabay ng pagsasabing ang lahat nang ito ay pawang mga intriga lamang.
Samantala, sa isinumiteng counter-affidavit ni Unday sa Ombudsman noong nakalipas na buwan (Disyembre), binanggit nito na ang lahat ng akusasyon na iniharap laban sa kanya ay walang katotohanan at walang basehan.
Patungkol sa sinasabing torrid kiss, sinabi nito sa kanyang counter-affidavit na walang nagaganap na ganitong lascivious conduct. (Ulat ni Charlie C. Lagasca)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest