^

Probinsiya

3 big-time pusher tiklo sa drug bust operation

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Tatlong big-time pusher na umano’y konektado sa international at local drug syndicate ang nasakote ng mga operatiba ng 4th Regional Narcotics Office sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Banadero, Tanauan, Batangas, kamakalawa.

Nasamsam ng mga operatiba buhat sa mga suspect ang dalawang plastic bag na naglalaman ng tinatayang 200 gramo ng shabu at marked money na ginamit sa nasabing operasyon.

Kinilala ni Supt. Donatilo, 4RNO chief ang mga nadakip na sina Jamal Diamla, alyas Jam, 27; Candie Separada, 34, alyas Carding at Priscilla Perea, 43.

Ayon kay Donatilo, ang tumatayong lider ng tinaguriang Marawi Group ay si Diamla na may malawak na koneksyon sa local drug syndicate na nakabase sa Quiapo at Batangas City.

Ang grupo nito umano ang siyang nagsu-supply ng droga sa Calabarzon, partikular na sa Batangas, Laguna at Metro Manila.

Ayon pa sa ulat, naganap ang drug deal dakong alas-11 ng gabi nang magdeliber ang mga suspect ng droga sa Brgy. Banadero, Batangas City.

Aktong kinukuha ng grupo ni Diamla ang marked money sa isang ahente ng Narcom nang biglang sumulpot ang mga awtoridad na dumampot sa suspect. (Ulat ni Ed Amoroso)

AYON

BANADERO

BATANGAS

BATANGAS CITY

BRGY

CANDIE SEPARADA

DIAMLA

DONATILO

ED AMOROSO

JAMAL DIAMLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with