Kubrador ng jueteng kinatay ng mananaya
January 26, 2001 | 12:00am
KAMPO ALEJO SANTOS, Bulacan Dahilan lamang sa umano ay hindi pagbabayad ng patama sa ilegal na sugal, isang sinasabing kubrador ng jueteng ang iniulat na pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng dalawang lalaki, kamakalawa ng gabi sa Sitio Isla, Brgy. Poblacion, San Miguel sa nabanggit na lalawigan.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Bulacan PNP Intelligence and Investigation chief Supt. Fernandino Sevilla, ang biktima na agad na nasawi sa pinangyarihan ng krimen bunga ng hindi mabilang na saksak na tinamo sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Florentino Rivera, 28, ng nasabing lugar.
Kasalukuyan namang pinaghahanap ng pulisya ang dalawang suspect na nakilalang sina Sonny Acilla, 29, na siya umanong nanalo sa nasabing sugal at ang kasama nitong si Genito Lipana, 29, kapwa residente rin sa nabanggit na barangay.
Batay sa inisyal na ulat ng pulisya, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-6 ng gabi nang masalubong sa daan ng suspect na si Acilla at kasama nitong si Lipana ang biktima na noon ay muling nangungolekta ng pataya sa jueteng.
Kinompronta ni Acilla si Rivera, matapos na hindi ibigay ng huli ang napanalunan ng una. Nagpaliwanag naman ang biktima na nagastos niya ito dahil sa nagkasakit ang kanyang anak.
Umiinit ang pagtatalo sa pagitan ng biktima at mga suspect hanggang sa mauwi sa pananaksak sa biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest