Ayon kay Basilan provincial spokesman Alton Angeles na ang mga biktima ay iniulat na pumalaot noong Linggo ng gabi lulan ng Guinea III buhat sa Maluso wharf patungong Sulu nang masalubong ang malalaking alon sa gitna ng karagatan sanhi naman ng nananalantang low depression sa ilang bahagi ng Mindanao.
Binanggit pa nito na tinangka pa ng mga crew ng ill-fated watercraft na magsagawa ng distress call subalit hindi na naging malinaw ang komuniskasyon dahil sa ng mga oras na iyon ay unti-unti nang lumulubog ang naturang sasakyang pandagat.
Sinabi pa ni Angeles na ng matapos nilang matanggap ang ulat ay agad na nagsagawa ng rescue operation subalit bigong makita ang mga biktima. (Ulat Ni Roel Pareño)