^

Probinsiya

Motor boat lumubog; 11 crew nawawala

-
ZAMBOANGA CITY — Labing-isang crew ng isang bangkang de-motor ang iniulat na tatlong araw nang nawawala at pinaniniwalaang patay na matapos na pataubin ng higanteng alon ang kanilang sinasakyan sa karagatan ng Pangutaran Island sa Sulu.

Ayon kay Basilan provincial spokesman Alton Angeles na ang mga biktima ay iniulat na pumalaot noong Linggo ng gabi lulan ng Guinea III buhat sa Maluso wharf patungong Sulu nang masalubong ang malalaking alon sa gitna ng karagatan sanhi naman ng nananalantang low depression sa ilang bahagi ng Mindanao.

Binanggit pa nito na tinangka pa ng mga crew ng ill-fated watercraft na magsagawa ng distress call subalit hindi na naging malinaw ang komuniskasyon dahil sa ng mga oras na iyon ay unti-unti nang lumulubog ang naturang sasakyang pandagat.

Sinabi pa ni Angeles na ng matapos nilang matanggap ang ulat ay agad na nagsagawa ng rescue operation subalit bigong makita ang mga biktima. (Ulat Ni Roel Pareño)

ALTON ANGELES

AYON

BASILAN

BINANGGIT

LABING

LINGGO

PANGUTARAN ISLAND

ULAT NI ROEL PARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with