2 bangkay ng babae natagpuan
January 24, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Dalawang bangkay ng babae na inilagay sa isang malaking plastic bag ang natagpuan sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Dayap, Calauan, Laguna, kamakalawa.
Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang pangalan ng mga biktima na tinatayang nasa gulang na 23 hanggang 30 at may taas na 52 talampakan.
Isa sa biktima ay nakasuot ng kulay puting t-shirt at maong na pantalon, samantalang ang isa naman ay nakasuot ng kulay pulang t-shirt.
Kapwa nakatali ang mga paa ng mga biktima, naka-tape ang bibig at may mga palatandaan na pinahirapan muna bago pinaslang.
Inaalam pa ng mga awtoridad sa crime laboratory kung ang mga biktima ay ginahasa ng mga salarin.
Ayon sa pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan ni Mariano Maliksi, miyembro ng Calauan Bantay Bayan ang bangkay ng mga biktima sa kahabaan ng National Highway sa Brgy. Dayap. Laking gulat umano ni Maliksi nang mabatid na ang laman ng isang malaking plastic bag na nakaharang sa daan ay bangkay ng dalawang babae.
Malaki naman ang paniwala ng pulisya na itinapon na lamang sa kanilang lugar ang mga biktima para iligaw ang imbestigasyon ng mga awtoridad. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended