^

Probinsiya

Political leader ni Gov. Revilla niratrat, patay

-
CARMONA, Cavite – Isa na namang barangay captain na sinasabing political leader ni Cavite Gov. Ramon "Bong" Revilla Jr. sa bayang ito ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi nakikilalang salarin habang ito ay nagdya-jogging sa Brgy. Mabuhay dito, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima na namatay noon din bunga ng tinamong apat na tama ng bala ng baril sa katawan ay kinilala ni Supt. Cresencio Bulalacao, hepe ng pulisya sa bayang ito na si Marcelino Basbas, 52, kapitan ng barangay sa Brgy. Cabilang Baybay ng nabanggit na bayan.

Masuwerte namang nakaligtas ang kasama ng nasawi sa pagdya-jogging na nakilalang si Jaime Mercado.

Mabilis namang tumakas ang dalawang salarin lulan ng isang motorsiklo matapos na matiyak na napatay na nila ang kanilang target.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng madaling-araw habang ang kapitan kasama si Mercado ay nagdya-jogging sa harap ng Macaria Business Center sa nasabing lugar nang biglang tigilan ng dalawang suspect na nakasakay sa isang pulang motorsiklo na may plakang MC-1124. Walang sabi-sabing pinagbabaril ng mga suspect ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Samantalang natulala na lamang ang kasama nitong si Mercado.

Ayon kay Carmona Mayor Roy Loyola na naniniwala siyang pawang mga hired killer ang pumaslang sa biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang posibleng motibo sa naganap na krimen, gayunman marami ang naniniwala na may kinalaman ito sa pulitika. (Ulat nina Cristina Timbang at Mading Sarmiento)

BRGY

CABILANG BAYBAY

CARMONA MAYOR ROY LOYOLA

CAVITE GOV

CRESENCIO BULALACAO

CRISTINA TIMBANG

JAIME MERCADO

MACARIA BUSINESS CENTER

MADING SARMIENTO

MARCELINO BASBAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with