Nakilala ang naarestong finance officer ng rebeldeng grupo na si Ronaldo Pring, 43, ng Brgy. San Francisco sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6 ng umaga nang madakip ang nasabing suspect sa aktong nangangalap ng revolutionary tax mula sa mga residente.
Narekober sa posesyon ng suspect ang isang automatic Uzi , isang 9mm luger pistol at ilang kopya ng extortion letter at mga subersibong dokumento.
Ang nadakip ay kasalukuyang nakadetine sa Pampanga Police Provincial Office . (Ulat ni Jeff Tombado)