Filipino seaman tinuligsa ang DILG Task Force Katapat
January 20, 2001 | 12:00am
Kahihiyan ang inabot ng isang 33-anyos na Filipino seaman sa kamay ng mga ahente ng Department of Interior and Local Government Task Force Katapat dahil napagkamalan itong killer matapos umano niyang pira-pirasuhin ang isang driver may apat na taon na ang nakakalipas sa isang lugar sa Albay.
Ang inarestong pasahero ay si Roque Prollamante ng Ligao, Albay.
Dumating ito sakay ng eroplanong Lufthansa Airlines flight LH-750 galing Frankfurt, Germany via Italy dakong alas-5:15 ng hapon, kamakalawa.
Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder.
Hinuli si Roque nina PNP chief Inspector Nelson Yabut, team leader ng DILG Special Task Force makaraang positibong kilalanin ng kapatid ng biktima na si Josephine Gonzales.
Si Prollamante ay inakusahang pumatay kay Arturo Rodriguez.
Gayunman, kinondena ni Roque ang aksyon ng DILG Task Force dahil hindi siya ang sinasabi nilang suspect kundi ang kanyang kakambal na si Robert.
‘Ang dapat ninyong hulihin ay ang kambal ko at hindi ako’, ani Roque.
Sinabi ni Roque sa mga mamamahayag na napahiya siya sa mga pasahero ng eroplano na kasamahan nitong dumating, kasabay nang pagsasabing maghahain siya ng reklamo. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended