Kamakalawa ng gabi tumulak na ang aabot sa 20 bus na puno ng mga estudyante, manggagawa, mangingisda, negosyante at iba pang sektor na nagmumula sa lungsod ng Legazpi para makilahok sa isinasagawang kilos-protesta.
Maging sa lalawigan ng Sorsogon ay 25 bus ang nakaantabay; sa Catanduanes ay 20; sa Camarines Sur, 30; Masbate, 15; Albay, 30 at Camarines Norte 20 na pawang pinangungunahan ng simbahang Katoliko.
Nauna na rito ang mga naging tagahanga ni Nora Aunor na magugunitang kumalas na rin kay Erap. Sa Calapan City, tinatayang may 1,000 taga-Mindoro kasama na ang mga Mangyan ang umalis kahapon patungong MeUlat ni -Erap rally.
Simula pa noong nakalipas na Miyerkules ay nagsagawa na ng noise barrage sa lalawigan na ito ay regular na isinasagawa dakong alas-12 ng tanghali at inuulit dakong alas-5 ng hapon.
Nabatid pa sa ulat na unang nagsagawa ng trip boat ride ang mga protester buhat sa Mindoro at sila naman ay sasalubungin ng delegasyon buhat sa Batangas, Laguna at Quezon at sabay-sabay na nagtungo sa EDSA. (Ulat nina Ed Casulla, Francis Elevado at Joe Leuterio)