Governor Lapid umapela kay FPJ

SAN FERNANDO, Pampanga – Umapela kahapon si Pampanga Gov. Lito Lapid sa kapwa niya aktor na si Fernando Poe Jr. na sinasabi namang kaibigang matalik ni Pangulong Estrada na kumbinsihin na ang Pangulo na bumaba sa puwesto.

"Kapakanan na ng buong bayan ang pinag-uusapan dito", pahayag ni Lapid na nangunguna sa mga isinasagawang anti-Estrada rallies dito.

Sinabi pa ni Lapid na kumonsulta sa kanya ang superstar na si Nora Aunor bago ito nagdesisyon na kumalas laban sa Pangulo. Pinayuhan umano niya si La Aunor na sundin ang kanyang konsensiya, gayunman binalaan niya ito na ang Pangulo ay mapaghiganti. (Ulat ni Ding Cervantes)

Show comments