Senator Revilla umaani ng batikos sa mga Caviteño

TRECE MARTIRES CITY – Umaani ngayon ng batikos mula sa mga Caviteño si Senator Ramon Revilla Sr. kaugnay sa pagboto nito ng "no" sa ginanap na botohan kamakalawa ng gabi sa Senado.

Ayon sa mga mamamayan, nawalan ng kredibilidad si Revilla nang hindi ito pumayag na buksan ang ikalawang envelope na siyang makakatulong sa ikalilinaw ng kasong isinampa kay Estrada.

Umusbong na rin ang mga kilos-protesta sa nabanggit na lalawigan. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments