CHR investigator pinaiimbestigahan sa kasong rape
January 18, 2001 | 12:00am
Pinaiimbestigahan ng Commission on Human Rights (CHR) main office sa kanilang tanggapan sa Region 4 ang katotohanan sa ulat na isang senior investigator nito sa Lucena City ang nanghalay ng isang retarded sa naturang lunsod kamakailan.
Partikular na inatasan ni CHR Chairman Aurora Recina si CHR Lucena City Director Ferdinand Quintos ang katotohanan sa ulat na inabuso ni Investigator Gerardo Sioco, ang isang dalagitang retarded sa nabanggit na lunhsod.
Si Sioco ay mahigit ng 12 taong imbestigador ng CHR sa Region 4 partikular na sa Lucena City sa lalawigan ng Quezon.
Ipinahiwatig ni Recina na hindi niya sasantuhin at agad na parurusahan si Sioco oras na mapatunayan na hinalay nga nito ang biktimang itinago sa pangalang Baby.
Malamang umanong kasuhan ng administratibo si Sioco at irekomendang masibak sa trabaho oras na mapatotohanan ang reklamo dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended