^

Probinsiya

Mag-ina sinalpok ng kotse: sanggol patay, ina putol ang paa

-
DASMARIÑAS, Cavite – Nabiyak ang ulo ng isang tatlong buwang gulang na sanggol, makaraang humagis buhat sa pagkakakarga ng kanyang ina matapos masalpok ng isang kotse habang papatawid ang mga ito sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Sampalok 2 sa bayang ito. Naputulan naman ng isang paa at nasa kritikal na kondisyon ang nasabing misis.

Ang nasawing paslit ay nakilalang si Gabriel John Duran, habang ang ina nito na nawalan ng isang paa at ginagamot sa UMC Hospital ay nakilalang si Alona Duran, 24 at residente sa nasabing lugar.

Samantalang ang nakabanggang driver na agad namang sumuko sa pulisya matapos nitong dalhin sa pagamutan ang mag-ina ay nakilalang si Lavere de Guzman, 39.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Edgardo Gallardo, may hawak ng kaso na dakong alas- 6:30 ng gabi ng maganap ang trahedya habang ang mag-ina ay nakatayo sa may gilid ng kalsada at naghahanda para tumawid nang mahagip ng kotseng Nissan Sentra na may plakang TVG- 805 na minamaneho ni de Guzman.

Dahil sa malakas na pagkabangga tumilapon ang ginang at humagis ang karga niyang sanggol. (Ulat nina Cristina Timbang/ Mading Sarmiento)

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

ALONA DURAN

BARANGAY SAMPALOK

BATAY

CRISTINA TIMBANG

EDGARDO GALLARDO

GABRIEL JOHN DURAN

GUZMAN

MADING SARMIENTO

NISSAN SENTRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with