^

Probinsiya

RP-US military exercise sisimulan bukas

-
Nakatakdang idaos ang joint military exercise sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Estados Unidos simula bukas hanggang sa ika-5 ng Pebrero sa Air Force City, Clarkfield, Pampanga at sa Subic Bay, Olongapo.

Ayon kay Col. Manuel Natividad, assistant chief of staff for education and training na ang naturang pagsasanay ay tatawaging ‘Teak Piston 01-2’. Ito ay lalahukan ng may 203 piling mga tauhan ng Phil. Air Force, habang 200 miyembro naman ang magmumula sa 353rd Special Operations Group ng United States Air Force.

Sinabi ni Natividad na ang labing-walong araw na pagsasanay ay sasaklaw sa pagtalakay ng mahalagang aspeto ng Air Intercept, Airborne Operations at C-130 operations. Napag-alaman na apat na aircrafts mula sa PAF ang gagamitin sa pagsasanay habang limang eroplano naman ang ipapadala ng USAF.

Inaasahan anya na sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, mas mapapalawig ng mga kawal ng hukbong himpapawid ang kanilang kaalaman sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Inatasang over-all director ng military exercise si Col. Diego Dasallas.

Ang gagawing exercise ay ang ikalawang pinakamalaking joint combined military exercise na gaganapin sa bansa matapos ratipikahan ang Visiting Forces Agreement. (Ulat ni Joy Cantos)

AIR FORCE

AIR FORCE CITY

AIR INTERCEPT

AIRBORNE OPERATIONS

DIEGO DASALLAS

ESTADOS UNIDOS

JOY CANTOS

MANUEL NATIVIDAD

SPECIAL OPERATIONS GROUP

SUBIC BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with