Isinampa ni San Mateo Mayor Crispin Santos ang naturang TRO sa San Mateo Regional Trial Court kahapon ng umaga.
Idinahilan sa pagsasampa ng TRO ang naunang kasunduan na nabuo noong 1999 sa pagitan ng mga opisyales ng Rizal at nina Presidential Adviser on Flagship Projects Robert Aventajado at MMDA Chairman Jejomar Binay.
Nilabag umano ng pamahalaan ang kasunduang ito at dapat bigyang linaw ang memorandum na ipinalabas mismo ni Pangulong Joseph Estrada nang unang magbarikada ang mga residente noong Mayo 1999.
Nagsumite na rin ng kanilang aplikasyon para sa TRO ang mga NGOs sa Antipolo City Regional Trial Court sa pangunguna ng Confederation of Homeowners Association of Antipolo City.
Ayon sa kanila, isa sa dahilan nang pagsasampa ng TRO ay ang kawalan ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa muling paggamit ng landfill.
Ito ay dahil na rin sa matindi pa ring pagtutol ng mga residente, kasabay sa pagtupad sa kanilang pangako na hindi nila pahihintulutang makapasok muli sa kanilang teritoryo . Nanatili pa rin tensiyunado ang mga lugar na pasukan patungo sa landfill.
Narito pa ang mga kontrobersiyal na ulat patungkol sa problema sa basura. (Ulat ni Danilo Garcia)