^

Probinsiya

2 TRO isinampa sa San Mateo at Antipolo court

-
SAN MATEO, Rizal –Kapwa nagsampa na ng temporary restraining order (TRO) ang mga lokal na opisyal ng San Mateo at mga non-government organizations (NGOs) ng Antipolo City sa kani-kanilang korte upang pigilan ang muling pagbubukas ng pinagtatalunang San Mateo landfill.

Isinampa ni San Mateo Mayor Crispin Santos ang naturang TRO sa San Mateo Regional Trial Court kahapon ng umaga.

Idinahilan sa pagsasampa ng TRO ang naunang kasunduan na nabuo noong 1999 sa pagitan ng mga opisyales ng Rizal at nina Presidential Adviser on Flagship Projects Robert Aventajado at MMDA Chairman Jejomar Binay.

Nilabag umano ng pamahalaan ang kasunduang ito at dapat bigyang linaw ang memorandum na ipinalabas mismo ni Pangulong Joseph Estrada nang unang magbarikada ang mga residente noong Mayo 1999.

Nagsumite na rin ng kanilang aplikasyon para sa TRO ang mga NGOs sa Antipolo City Regional Trial Court sa pangunguna ng Confederation of Homeowners Association of Antipolo City.

Ayon sa kanila, isa sa dahilan nang pagsasampa ng TRO ay ang kawalan ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa muling paggamit ng landfill.
Laban sa basura hindi pa tapos
Bagama’t kamakalawa ay napapayag na ni DILG Secretary Alfredo Lim ang mga alkalde at provincial officials sa lalawigan ng Rizal upang buksan muli ang San Mateo landfill sa loob ng tatlong buwan, hindi pa pala dito natatapos ang kontrobersiya ng basura.

Ito ay dahil na rin sa matindi pa ring pagtutol ng mga residente, kasabay sa pagtupad sa kanilang pangako na hindi nila pahihintulutang makapasok muli sa kanilang teritoryo . Nanatili pa rin tensiyunado ang mga lugar na pasukan patungo sa landfill.

Narito pa ang mga kontrobersiyal na ulat patungkol sa problema sa basura. (Ulat ni Danilo Garcia)

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO CITY REGIONAL TRIAL COURT

CHAIRMAN JEJOMAR BINAY

CONFEDERATION OF HOMEOWNERS ASSOCIATION OF ANTIPOLO CITY

DANILO GARCIA

ENVIRONMENTAL COMPLIANCE CERTIFICATE

FLAGSHIP PROJECTS ROBERT AVENTAJADO

RIZAL

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with