Barangay konsehal nakipag-duelo sa NPA, grabe
January 16, 2001 | 12:00am
INDANG, Cavite Isang tama sa sentido ang ikinamatay ng isang miyembro ng NPA, makaraang makipagbuno sa isang barangay konsehal matapos ang mainitang komprontasyon hinggil sa panghihingi ng porsiyento ng una sa pinyahan ng huli, kamakalawa ng hapon sa Barangay Tambo Kulit sa bayang ito.
Ang nasabing rebelde na nasawi sanhi ng tamang tinamo ay nakilalang si Renato Norte, samantalang ang barangay konsehal naman na sugatan din sa insidente ay nakilalang si Eddie Silan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6 ng hapon ng maganap ang insidente habang ang nasabing konsehal ay nasa kanyang bahay nang biglang dumating ang nasawing rebelde kasama ang lima pang NPA.
Inilahad umano ng mga rebelde sa konsehal ang kanilang pakay, na ito ay ang panghihingi ng rebeldeng grupo ng porsiyento sa pinyahan ni Eddie.
Tumanggi naman ang konsehal at dito na nagkaroon ng mainitang komprontasyon hanggang sa maglabas ng baril ang isa sa mga suspect.
Nakipagbuno naman sa baril ang konsehal hanggang sa isa pa sa mga suspect ang magpaputok ng baril, subalit ang tinamaan sa sentido ay ang kanilang kasamahang si Renato, nahagip din ang konsehal.
Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang limang kasamahan ng nasawing suspect. (Ulat nina Cristina Timbang/Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended