Mag-ama kinatay ng mga armado
January 16, 2001 | 12:00am
Nagkagutay-gutay ang katawan ng isang mag-ama nang tadtarin ng taga at pamamaril ng apat na armadong kalalakihan sa lalawigan ng Davao del Sur, ayon sa ulat ng pulisya.
Halos hindi na makilala ang mga bangkay ng mag-amang Carod Blad at anak nitong si Enio dahil sa dami ng sugat na tinamo sa kanilang mga katawan at mukha.
Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa liblib na lugar ng Sitio Malinao, Barangay Culaman, Jose Abad Santos, Davao del Sur.
Dakong alas-6 ng gabi nang pasukin ng mga suspect na armado ng matataas na kalibre ng baril at matatalim na itak ang tahanan ng mag-amang Blad sa nasabing lugar.
Mistulang sinaniban umano ng masamang espiritu ang apat na suspect nang paslangin ng mga ito ang mag-ama.
Matapos ang isinagawang krimen mabilis na nagsitakas ang mga suspect.
Sa isang follow-up operation, nakilala ang mga salarin na sina Gab Guinang, Gusman Guinang, Abdul Ganton at Tot Ganton na umano ay nakaaway ng batang Blad.
Ang mga suspect ay kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended