Ito ang sumalubong kay Superintendent Efren Yebra, bagong upong hepe ng Antipolo police.
Ipinangako naman nito na agad na bibigyan ng solusyon ang naturang kaso at beberipikahin ang pagkakaugnay ng hindi muna pinangalanang opisyal ng Traffic Management Group (TMG) na sinasabing sangkot sa sindikato ng carnapping.
Ang pinakahuling insidente ng carnapping ay naitala noong Biyernes kung saan isang Isuzu High Lander na may plakang UUT-164 na pag-aari ng isang Wilfredo Castro ang natangay matapos itong iparada sa harapan ng kanyang bahay.
Sinasabing ang naturang police major umano ay kasalukuyang gumagamit ngayon ng tatlong karnap na sasakyan. (Ulat ni Danilo Garcia)