^

Probinsiya

Police major sangkot sa carnapping

-
ANTIPOLO CITY - Isang police major sa lalawigan ng Rizal ang nasa ilalim ng surveillance ng pulisya dahil sa hinalang ito ang utak sa 10 sunod-sunod na insidente ng carnapping sa lunsod na naganap lamang sa loob ng isang linggo, ayon sa rekord na naitala ng pulisya.

Ito ang sumalubong kay Superintendent Efren Yebra, bagong upong hepe ng Antipolo police.

Ipinangako naman nito na agad na bibigyan ng solusyon ang naturang kaso at beberipikahin ang pagkakaugnay ng hindi muna pinangalanang opisyal ng Traffic Management Group (TMG) na sinasabing sangkot sa sindikato ng carnapping.

Ang pinakahuling insidente ng carnapping ay naitala noong Biyernes kung saan isang Isuzu High Lander na may plakang UUT-164 na pag-aari ng isang Wilfredo Castro ang natangay matapos itong iparada sa harapan ng kanyang bahay.

Sinasabing ang naturang police major umano ay kasalukuyang gumagamit ngayon ng tatlong karnap na sasakyan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BIYERNES

DANILO GARCIA

IPINANGAKO

ISANG

ISUZU HIGH LANDER

RIZAL

SUPERINTENDENT EFREN YEBRA

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

WILFREDO CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with