Totoy natagpuang nagpakamatay

LIGAO, Albay – Isang 12-anyos na totoy ang iniulat na nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang natagpuang nakabitin sa isang konkretong club house sa harapan ng St. Stephen Academy sa Barangay Gilid sa bayang ito, kahapon ng umaga.

Nakilala ang nagpakamatay na si Mark Laurence Ruiz, grade 6 pupil ng Ligao West Central School at residente sa nabanggit na lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang bangkay ng biktima ay natagpuan dakong alas-9 ng umaga na nakabitin sa loob ng naturang club house. Isang nylon cord ang ginamit ng nasawi sa kanyang pagpapakamatay. Hindi naman matiyak kung ano ang posibleng dahilan sa isinagawang pagpapatiwakal ng bata. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments