Bus bumaligtad: 2 pasahero patay
January 12, 2001 | 12:00am
LIBMANAN, Camarines Sur Dalawa katao ang nasawi at marami pa ang nasugatan matapos na ang kanilang sinasakyan na isang pampasaherong bus ay mawalan ng kontrol at bumaliktad sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. San Isidro sa bayang ito, kamakalawa ng madaling araw.
Nakilala ang mga nasawi na sina Abdol Malic, 30 at Perfecta Borja, 45.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya naganap ang aksidente dakong alas-3 ng madaling-araw habang ang naturang pampasaherong bus ay patungo sa Sorsogon ng maganap ang sakuna. Nabatid na ang Isarog Bus na minamaneho ni Marcos Marco galing Manila ay bumabagtas sa nabanggit na highway nang biglang mag-over take sa nasa unahang sasakyan nang mawalan ng kontrol dahilan upang ito ay gumewang hanggang sa tuluyang bumaliktad sa gitna ng kalsada.
Agad na nasawi ang dalawang biktima, habang isinugod naman sa ibat-ibang pagamutan ang mga sugatan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended