Ex-police nabangga sa balikat, namaril; misis patay, 2 pa sugatan
January 11, 2001 | 12:00am
PILILIA, Rizal  Aksidenteng pagkabangga lamang sa balikat ang naging dahilan ng pagkamatay ng isang 24-anyos na misis at pagkasugat ng malubha ng dalawa pang lalaki nang pagbabarilin sila ng isang lasing na dating pulis, kamakalawa ng madaling araw sa bayang ito.
Hindi na umabot pang buhay sa Morong General Hospital ang biktimang nakilalang si Bernabe de Leon, 24, may asawa, ng Manggahan Subdivision, Barangay Bagumbayan, Pililia.
Isang manhunt na ngayon ang isinasagawa upang madakip ang suspect na si Pepito Martinez, residente rin ng naturang lugar. Dinala nito sa pagtakas ang isang 9mm na baril na ginamit nito sa krimen.
Samantala, ginagamot naman sa nabanggit ding ospital ang isa pang kasama ng biktima na si Jose Buenafe, 42, konduktor ng bus at Joseph Martinez, 22, kapatid ng salarin.
Aksidenteng nabaril ng suspect ang kanyang kapatid na si Joseph nang tangkain nitong awatin sa pagwawala ang kanyang kuya.
Nabatid sa ulat na dakong ala-1:30 kahapon ng madaling araw ay naglalakad umano pauwi ang nasawing si de Leon at si Buenafe buhat sa kanilang panggabing trabaho nang masalubong ang magkapatid na Martinez na kapwa lasing.
Dahil sa pasuray-suray ang paglalakad, aksidenteng bumangga ang suspect sa balikat ng biktimang si Buenafe. Agad na nagalit ang suspect sa dalawa kasabay nang pagtatanong kung bakit siya binangga.
Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng magkabilang panig hanggang sa bumunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang dalawa. Tinangka naman ng batang Martinez na awatin ang kanyang kuya subalit minalas na tinamaan din siya sa ginawa nitong pamamaril. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended