Natalong mayoral candidate inambus, patay
January 11, 2001 | 12:00am
CABANATUAN CITY Isang natalong mayoral candidate noong nakalipas na 1998 elections ang iniulat na binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng katanghaliang tapat sa national highway dito, ayon sa ulat ng PNP.
Nakilala ang biktima na si Cesar V. Velayo ng Gapan, Nueva Ecija ay namatay bunga ng tinamong tama ng bala ng baril sa dibdib habang ito ay isinusugod sa pagamutan.
Si Velayo ay anak ng dating Gapan Mayor Virgilio Velayo at kapatid ni incumbent Gapan Mayor Arthur Velayo.
Ang nasawing Velayo ay tumakbo sa eleksyon laban sa kasalukuyang mayor na ito ay laban sa kagustuhan ng kanilang ama. Siya ay natalo.
Nabatid na nagharap si Cesar ng election protest sa regional trial court sa Gapan at sinasabi sa ulat na ito ay nananalo nang maganap ang pagpaslang.
May hinala ang mga pulisya na may koneksyon sa isinampa nitong election protest ang naganap na pagpaslang.
Gayunman, sinabi pa ng pulisya na hindi nila inaalis sa imbestigasyon ang iba pang posibleng motibo sa pagpaslang katulad ng labanan sa negosyo at dating alitan.
Binanggit pa ng pulisya na ang motibong politikal ay maaaring imposible dahil sa ang kalaban nito ay mismong ang kanyang kapatid.
"Kung pulitika yan, may kapatid ba na papatay sa kapatid dahil lamang sa puwesto," pahayag ni Supt. Aurelio Hiteroza, PNP provincial director.
Ayon sa ulat, lulan ang biktima ng kanyang Toyota Hi-lux na may plakang UPZ-828 patungong Cabanatuan. Habang binabagtas nito ang national highway sa Barangay Sumacab Este isang armadong lalaki lulan ng motorsiklo ang tumapat sa kanya at walang sabi-sabing pinaputukan ito ng baril.
Mabilis na tumakas ang salarin matapos ang insidente. (Ulat ni Manny Galvez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended