^

Probinsiya

Bomb components nasamsam sa safehouse ng bombing suspect

-
Nasamsam ng operatiba ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) ang mga bomb components sa safehouse ng isa sa mga pinaghihinalaang suspect sa naganap na madugong pambobomba sa Metro Manila noong nakalipas na Disyembre 30 sa isinagawang raid sa Davao City, kamakalawa.

Ito ang inihayag kahapon ni Deputy Director Gen. Jewel Canson, na siyang over-all in charge sa naganap na December 30 bombing.

Ayon kay Canson, isinagawa ang raid sa bahay ng suspect na kinilalang si Mohammad Guindolongan, alyas Abu Zainal sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Hofilena Europa ng Davao City Regional Trial Court dakong alas-5:20 ng hapon sa Quezon Boulevard, Davao City.

Si Guindolongan ay kabilang sa mga tinutugis ng batas sa kasong multiple murder at multiple frustrated murder kasama ang anim na matataas na lider ng MILF sa pangunguna ng kanilang pinuno na si Hashim Salamat kaugnay ng madugong pambobomba sa Metro Manila noong Rizal’s day.

Kabilang sa nasamsam sa tahanan ni Guindolongan na nakapuslit sa mga awtoridad ay isang kulay puting emulite na nakasilid sa plastic, isang MK2 fragmentation grenade, isang electric blasting cap, isang time fuse na may blasting cap, isang dismantled battery operated na alarm clock, pyrotechnic device, assorted detonating cords, isang Islamic passbook, electronic devices at iba pang uri ng mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng bomba. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU ZAINAL

DAVAO CITY

DAVAO CITY REGIONAL TRIAL COURT

DEPUTY DIRECTOR GEN

HASHIM SALAMAT

JEWEL CANSON

JOY CANTOS

JUDGE HOFILENA EUROPA

METRO MANILA

MOHAMMAD GUINDOLONGAN

PRESIDENTIAL ANTI-ORGANIZED CRIME TASK FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with