Ito ay matapos na namang igiit ng dating world boxing champion sa city council dito ang cash assistance buhat sa city government.
Ayon sa ulat, tinungo kamakalawa ni Navarette ang tanggapan ng Youth and Sports Committee na pinamumunuan ni Councilor Maureen Rodriguez na sinabihan ng dating boksingero na dapat siyang isama sa incentive program para sa mga outstanding local athletes ng city government.
Nabatid na ang pamahalaang lungsod, sa ilalim ng tanggapan ni Rodriquez ay naglalaan ng cash incentives sa mga local athletes na nakitaan ng kanilang pagpupunyagi at disiplina sa kanilang mga sinalihang palaro noong nakalipas na taon.
Ang mga may hawak ng world titles ay partikular na tatanggap ng P30,000 cash incentive sa ilalim ng "Parangal sa Atleta" program ng citys sports development office.
Ipinaliwanag kay Navarette na ang incentive program ay kumakatawan lamang sa mga atleta na nag-excell noon lamang nakalipas na taon at siya (Navarette) ay hindi kasali dito. Tuluyan nang nagalit at nagsimulang magwala si Navarette.
Pinagsusuntok nito ang cabinet malapit sa lamesa ni Councilor Rodriquez.
Binanggit naman ni Jennifer Policarpio, legal assistant ni Councilor Rodriguez na hindi rin naman binabalewala ng citys sports division ang nakaraang achievements ni Navarette kaya nga binigyan nila ito ng special cash incentive na P5,000, gayunman ito umano ay tinatanggihan ni Navarette at ang iginigiit nito ay ang P30,000 prize. (Ulat ni Allen Estabillo)