Ito ang ibinunyag kahapon ni GRP member at North Cotabato Rep. Anthony Dequina matapos ibasura ng Malacañang ang pagtatangka ni Batenga na harangin ang all-out-war na idineklara ng Pangulo laban sa MILF na pinamumunuan ni Chairman Hashim Salamat.
Magugunita na ang paglalantad ni PNP chief Director General Panfilo Lacson na ang grupo ng MILF ang nagsagawa ng mga pambobomba noong Rizal Day ang nagtulak kay Pangulong Estrada upang mabilisang ipag-utos ang pagtugis at giyera laban sa grupo.
Sa pagtatangka umano ni Batenga na mapigilan ang hakbang ng administrasyon, gumawa pa aniya ito ng pormal na rekomendasyon na mismong naka-address sa Pangulo na humihiling na muling ituloy ang peace negotiation sa pagitan ng pamahalaan at MILF at ibasura ang all-out- war laban sa grupo ng huli subalit ito umano ay hindi pinakinggan ng Pangulo. (Ulat ni Malou Rongalerios)