^

Probinsiya

All-out war laban sa MILF tinutulan ng GRP panel

-
Tutol si GRP chairman Gen. Edgardo Batenga sa pagdedeklara ni Pangulong Joseph Estrada ng giyera laban sa grupo ng MILF na sinasabing may kagagawan sa serye ng pambobomba noong nakalipas na Disyembre 30, 2000.

Ito ang ibinunyag kahapon ni GRP member at North Cotabato Rep. Anthony Dequina matapos ibasura ng Malacañang ang pagtatangka ni Batenga na harangin ang all-out-war na idineklara ng Pangulo laban sa MILF na pinamumunuan ni Chairman Hashim Salamat.

Magugunita na ang paglalantad ni PNP chief Director General Panfilo Lacson na ang grupo ng MILF ang nagsagawa ng mga pambobomba noong Rizal Day ang nagtulak kay Pangulong Estrada upang mabilisang ipag-utos ang pagtugis at giyera laban sa grupo.

Sa pagtatangka umano ni Batenga na mapigilan ang hakbang ng administrasyon, gumawa pa aniya ito ng pormal na rekomendasyon na mismong naka-address sa Pangulo na humihiling na muling ituloy ang peace negotiation sa pagitan ng pamahalaan at MILF at ibasura ang all-out- war laban sa grupo ng huli subalit ito umano ay hindi pinakinggan ng Pangulo. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ANTHONY DEQUINA

BATENGA

CHAIRMAN HASHIM SALAMAT

DIRECTOR GENERAL PANFILO LACSON

EDGARDO BATENGA

MALOU RONGALERIOS

NORTH COTABATO REP

PANGULO

PANGULONG ESTRADA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with