^

Probinsiya

Biktima ng rape-slay natagpuan

-
CAMP NAKAR, Lucena City – Isang naaagnas na bangkay ng babae na hinihinalang hinalay saka pinatay ng di-nakikilalang mga salarin ang natagpuan sa bagong gawang kalye na sakop ng Barangay Poblacion, Jomalig, Quezon.

Ayon sa naantalang ulat na nakarating sa Quezon Police Provincial Office buhat sa Jomalig PNP, kinilala ang natagpuang bangkay na si Christine Abanto, 15, estudyante, ng Barangay Talisoy, Jomalig. Quezon.

Ito ay natagpuan kamakailan sa isang bagong gawang sementadong kalye may dalawang kilometro ang layo sa Barangay Poblacion.

Huling nakitang buhay ang dalagita noong nakalipas na Disyembre 28, nang magpaalam ang biktima sa kanyang mga magulang na pupunta lamang sa kabayanan subalit hindi na nakabalik pa sa kanilang bahay.

May teorya ang pulisya na hinarang ang biktima ng di-pa nakikilalang salarin at pagkaraan ay pinagsamantalahan saka pinaslang. (Ulat ni Tony Sandoval)

AYON

BARANGAY POBLACION

BARANGAY TALISOY

CHRISTINE ABANTO

DISYEMBRE

JOMALIG

LUCENA CITY

QUEZON

QUEZON POLICE PROVINCIAL OFFICE

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with