^

Probinsiya

Magsasaka tinodas ng pulis

-
CAMP VICENTE LIM – Isang 47-anyos na magsasaka ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang pulis matapos na magkaroon ng mainitang pagtatalo sa harap ng kanilang mga kababayan sa Barangay Villa, Occidental Mindoro, kamakalawa.

Nakilala ang nasawing magsasaka na si Rafael Capio ng Barangay Villa, Pag-asa. Si Capio ay patay na nang idating sa Bongabong Community Hospital sanhi ng tinamo nitong mga tama ng bala sa katawan.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspect na pulis na si PO1 Nebuchadnezar Matrio, na nakatalaga sa Bansud Police Station at residente ng Barangay Pob, Bansud.

Naganap ang pamamaril ng suspect dakong alas-4:30 ng hapon kamakalawa nang magkatagpo ang dalawa sa isang lugar na kanilang pinagdadausan ng inuman at pagpupulong sa Barangay Villa, Pag-asa.
Sa hindi pa malamang dahilan ay narinig na lamang na nagtatalo ang dalawa at ilang minuto pa ang nakalipas ay bigla na lamang binunot ng suspect ang kanyang baril at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ng baril ang biktima. Mabilis na tumakas ang suspect matapos ang ginawang krimen. (Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

BANSUD POLICE STATION

BARANGAY POB

BARANGAY VILLA

BONGABONG COMMUNITY HOSPITAL

ED AMOROSO

NEBUCHADNEZAR MATRIO

OCCIDENTAL MINDORO

PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with