^

Probinsiya

Magtiyuhin hinoldap sa Maharlika Highway

-
ATIMONAN, Quezon – Itinaling parang baboy bago itinapon sa isang damuhan ang magtiyuhin ng anim na di-nakikilalang kalalakihan matapos na holdapin at tangayin ang sasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng Maharlika highway na sakop ng barangay Angeles sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Supt. Eduardo Samoco, chief of police sa bayang ito ang mga biktima na sina Romeo Adan, 35, isang seaman at ang kanyang pamangkin na si Kennedy Ariquela, 22 binata, na kapwa mga residente ng barangay Sta. Maria, Calauag, Quezon.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni SPO1 Godofredo Patinio, officer on case, dakong alas-11:00 ng gabi, kamakalawa ay pansamantalang ipaparada sana ni Adan sa tabi ng kalyeng sakop ng barangay Angeles ang kanyang owner type jeep upang kumain sa isang restaurant.

Hindi pa man ganap na nakakababa sa kanyang sasakyan ang biktima ay tinutukan sila ng baril ng anim na di-nakikilalang kalalakihan.

Itinaling parang baboy ng mga suspek ang magtiyo sa pamamagitan ng seat belt ng sasakyan at pagkaraan ay muling isinakay sa owner type jeep saka pinaandar patungo sa direksyon ng Lucena City.

Habang tumatakbo umano ang sasakyan ay nilimas ng mga suspect ang alahas ng mga biktima na tinatayang umaabot sa halagang P50,000 at ng sumapit na sila sa barangay Sta. Catalina ay itinapon ang dalawang biktima sa damuhan. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

ADAN

CALAUAG

EDUARDO SAMOCO

GODOFREDO PATINIO

ITINALING

KENNEDY ARIQUELA

LUCENA CITY

QUEZON

ROMEO ADAN

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with