Kinilala ang mga suspek na sina Celso Alberto, Roberto Te, Julius Balasabas, Ricardo Ferrando, Arcadio Sifuentes at Sorio Sumaliling.
Batay sa ulat na isinumite ng tanggapan ni Director Chief Supt. Gregorio Dolina ng Police Regional Office (PRO) 11 sa central operations center ng Camp Crame, dakong alas-3:30 a.m nang mamataan ang mga suspek habang minamanduhan ng tauhan ng Banay-banay PNP ang National Highway sa Brgy. Pinatatatagan sa naturang lalawigan.
Magkakasabay na nasakote ang anim na suspek nang mapadaan ang mga ito sa naturang check-point habang tatlo sa mga ito ay lulan ng motorsiklong TMX na may plakang LD-4779 at tatlo naman ang nakasakay sa motorsiklong Suzuki X-4 na may plakang LL-9525.
Nauna dito, naaresto ng mga tauhan ng Tagum PNP ang isa sa mga kasamahan ng mga suspek na nakikilalang si Petronio Siga ng Bansalan, Davao del Sur makaraan ang isang insidente ng robbery/hold-up na naganap sa Tagum City noong araw ng Biyernes.
Nabawi ng mga awtoridad mula sa pag-iingat ng mga suspek ang mga naturang motorsiklo kabilang ang salaping nagkakahalaga ng P76,510 na nakulimbat ng mga ito. (Ulat ni Jhay Mejias)