Bitay sa 3 rapist-killer ok sa Supreme Court
January 8, 2001 | 12:00am
Sinang-ayunan ng Korte Suprema ang parusang kamatayan laban sa tatlong lalaki matapos na mapatunayang nagkasala ang mga ito sa panggagahasa at brutal na pagpaslang sa isang 13-anyos na babae noong Nob. 1994 sa bayan ng Gerona, Tarlac City.
Sa 21-pahinang naunang desisyon ng Regional Trial Court (RTC) Branch 56 sa naturang lugar, inayunan ng Korte Suprema ang pagpapataw ng parusang kamatayan laban kina Antonio Salonga at sa mag-pinsan na sina Alfredo at Eduardo Salonga na nagkasala sa kasong rape with homicide.
Batay na rin sa mga ebidensiya at testamento ng mga nakasaksi sa karumal-dumal na krimen, ang biktima na itinago sa pangalang ‘‘Rosemarie’’, 13, estudyante ng Barangay Sinait, Gerona sa lalawigan ng Tarlac ay paulit-ulit umanong ginahasa at pagkatapos ay walang-awang pinagsasaksak ng tatlong akusado noong Nobyembre 10, 1994 bago itinapon ang bangkay sa isang ilog ilang kilometro ang layo mula sa bahay ng nabanggit na biktima.
Inatasan din ng korte ang mga akusado na magbayad sa mga magulang ng biktima ng tig-100,000 bilang civil indemnity; P18,000 bayad para sa actual damages at tig-P50,000 naman para sa moral damages. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended