Pumugang preso noong bagyong Senyang, nasakote
January 8, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Balik kulungan ang isang bilanggo sa Quezon Provincial Jail na tumakas noong nakaraang Nobyembre habang nananalasa ang bagyong Senyang matapos na ito ay masakote sa kanyang pinagtataguan sa Purok Bagong Sinag, barangay Cotta sa lungsod na ito kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ni Supt. Federico Terte, chief of police sa lungsod na ito ang nadakip na preso na si Bernardo Umali, 32, may-asawa at may kasong Homicide.
Si Umali ay pangatlo pa lamang sa 15 mga preso sa Quezon Provincial Jail na pawang mga nahaharap sa mabibigat na kaso ang muling nadakip habang ang labindalawang iba pa na kinabibilangan ng suspect sa Sariaya massacre na si Edwin Medrano ay patuloy pang tinutugis.
Sinasabi sa ulat ng pulisya na isinagawa ang pagdakip kay Umali ng dakong alas-3:00 ng madaling araw habang ito ay natutulog sa bahay ng isang Celso Ruz na ginagawa niyang hide-out.
Dahil sa impormasyon ng mga naninirahan sa naturang lugar kayat madaling natuntun ng mga awtoridad ang pinagtataguan ni Umali. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended