^

Probinsiya

Bodega ng pekeng sigarilyo nadiskubre

-
CABUGAO, Ilocos Sur – Ni-raid ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bodegang pag-aari ng isang dating mayor dito noong isang gabi at kinumpiska ang ibat-ibang makinarya na diumano ay ginagamit sa paggawa ng mga pekeng sigarilyo.

Ang bodegang ni-raid ay pag-aari ni dating Mayor Andrea Sollar Tan, ina ng kasalukuyang mayor na si Bendel Tan, na nakatayo mismo sa harapan ng munisipyo sa bayang ito.

Sinabi naman ni Superintendent Isagani Genabe, PNP director na wala silang gaanong detalye sa naturang raid dahil ang mga NBI agents na nakabase sa Maynila ang nagsagawa ng operasyon. Ang raiding team ay pinamumunuan umano ng isang Atty. Donato.

Ang raid sa naturang bodega ng mga Tan ay isinagawa bunga ng isang report patungkol sa umano’y pekeng sigarilyo na ginagawa sa bodega.

Armado naman umano ng search warrant ang mga ahente ng NBI.

Hindi pa matiyak kung may nasamsam ring mga pekeng sigarilyo sa isinagawang raid. (Ulat ni Myds Supnad)

ARMADO

BENDEL TAN

DONATO

ILOCOS SUR

MAYNILA

MAYOR ANDREA SOLLAR TAN

MYDS SUPNAD

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SUPERINTENDENT ISAGANI GENABE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with