P1-milyon natangay ng mga holdaper sa bangko
January 7, 2001 | 12:00am
TAYTAY, Rizal Apat na hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan ang nanloob sa isang bangko kung saan nakatangay ang mga ito ng mahigit sa isang milyong cash at ikinulong pa ang anim na empleyado at dalawang security guard sa safety vault ng bangko bago tumakas, kamakalawa ng umaga sa bayang ito.
Ayon kay Superintendent Ferdinand Santos, hepe ng Taytay Police naganap umano ang panloloob sa Real Bank sa may Ortigas Avenue Extension sa Barangay San Isidro dakong alas-11:30 ng tanghali.
Dalawa umano sa mga suspect ang nagpanggap na kostumer at nagpakita pa ng bank book sa security guard na si Jaime Casido. Nang makalapit ay pinukpok si Casido ng baril at doon na nagpahayag ng holdap.
Dito naman pumasok ang dalawang kasamahan ng naunang mga suspect at agad na tinutukan ang mga empleyado. Pinabuksan sa manager ng bangko ang safety vault.
Matapos makuha ang pera ay puwersahang pinapasok ang lahat ng empleyado at dalawang sikyu sa vault at saka isinara bago tuluyang tumakas dala ang may isang milyong pera ng bangko. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
3 hours ago
Recommended