Ayon sa ulat, dakong alas-12: 30 ng hatinggabi ng harangin ng 25 armadong kalalakihan ang Superlines passenger bus na minamaneho ni Angel Omides. Nabatid na kasalukuyang binabagtas ng Superlines bus ang kahabaan ng Barangay Pinagdian sa naturang bayan nang harangin ito ng mga rebeldeng nakasuot ng camouflage uniform.
Matapos na mapahinto ang naturang bus, pinababa ng mga rebelde ang mga pasahero, gayundin ang bus driver at konduktor at pagkatapos ay binuhusan ng gasolina ang bus at saka sinindihan.
Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Malaki ang paniwala ng pulisya na may kinalaman sa hinihinging revolutionary tax ng mga rebelde ang motibo sa isinagawang panununog.
Mabilis namang nagsitakas ang mga rebelde matapos ang ginawang panununog. (Ulat nina Ed Casulla at Francis Elevado)