Tumakas naman ang suspect na nakilalang si Edwin Miranda, 32, pinsan ng nasawi.
Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad dakong alas-10 ng gabi kamakalawa habang masayang nag-iinuman at nagkukuwentuhan ang biktima at suspect ay pinag-uusapan pa nga ang kontrobersiyal na isyu sa isinasagawang paglilitis sa Pangulo.
Isiningit umano ng biktima na mapapatalsik ang Pangulo sa pagtatapos ng hearing, ito naman ay tinutulan ng suspect na nagsabing kayang-kaya ito ng mga abogado ng Pangulo.
Uminit pa ang pagtatalo ng dalawa hanggang sa bumunot ng patalim ang suspect at inundayan ng saksak ang kanyang pinsan na tinamaan sa kaliwang bahagi ng kili-kili.
Hindi na umabot pang buhay ang biktima ng isugod ito sa Bataan General Hospital. Pinaghahanap naman ngayon ng mga awtoridad ang tumakas na suspect. (Ulat ni Jonie Capalaran)