^

Probinsiya

11-anyos nabaril ng 12-anyos na kaibigan

-
BACOLOD CITY – Matatanggap ko ang anumang parusang ipapataw sa akin, mabuhay lamang ang aking kaibigan.

Ito ang naiiyak na pahayag ng 12-anyos na si Janno Mahinay, ng Talisay City matapos umanong aksidenteng mabaril at mapatay ang kanyang kalaro at kaibigan na si Felix Ramilo Quenquero, 11.

Si Quenquero ay nagtamo ng isang tama ng bala buhat sa isang .38 caliber homemade revolver na sinasabing pag-aari ng ama ni Mahinay.

Base sa ulat ng pulisya, si Quenquero at Mahinay, kapwa grade 5 pupil, kasama ang lima pa nilang kaibigan ay masayang naglalaro ng toy guns sa compound ng pamilya Mahinay.

Isa sa mga kalaro ang nagtanong sa batang Mahinay kung nasaan ang baril ng kanyang tatay, kaya agad na nagtungo sa kanilang kuwarto at hinanap ito.

Habang hinahanap ang baril ay aksidente itong pumutok, dahilan upang magtakbuhan ang mga bata, gayunman tinamaan na sa dibdib si Quenquero.

Ang batang si Mahinay ay pansamantalang inilagak sa kustodya ni SPO3 Delia Valencia ng Talisay Police Children’s and Women’s Desk.

Nabigo naman si Ramiro Mahinay, ama ni Janno na maipakita ang gun permit. (Ulat ni Antonieta Lopez)

ANTONIETA LOPEZ

DELIA VALENCIA

FELIX RAMILO QUENQUERO

JANNO MAHINAY

MAHINAY

QUENQUERO

RAMIRO MAHINAY

SI QUENQUERO

TALISAY CITY

TALISAY POLICE CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with