Sundalo grabe sa pakikipagtalo sa pamasahe
January 4, 2001 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang aktibong miyembro ng Phil. Army matapos makipagtalo sa isang hindi pa nakikilalang lalaki na tumangging magbayad ng pamasahe sa isang pampasaherong jeepney sa Davao City, kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima na si PFC Figuema, nakatalaga sa Headquarters Support Group ng Phil. Army at residente ng Pag-asa, Agdao ng nasabing lunsod.
Ang naturang sundalo ay nasa malubhang kalagayan ngayon sa Mission Hospital na pinagdalhan dito.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong alas-9:40 ng gabi ng sumakay si Figuema sa isang pampasaherong jeepney galing sa Bangkal, Davao City patungong Agdao. Pagsapit sa Quezon Boulevard ng naturang lunsod tumanggi umano ang isang lalaki na kanyang nakasakay na magbayad ng pasahe at matapang pa ito na nakipagtalo sa konduktor ng jeepney.
Ditoy nakialam si Figuema at pinagsabihan ang lalaki hanggang sa magkasagutan ang dalawa. Sa pagkakataong ito ay binunot ng lalaki ang kanyang kalibre. 38 baril at pinagbabaril ang sundalo na noon ay walang dalang armas.
Nasapul ng tama ng bala sa kanang sentido ang biktima na agad na bumulagta, samantalang mabilis namang tumakas ang suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended