^

Probinsiya

Pulis na nagpaputok ng baril noong New Year's Eve, kinasuhan

-
CAMP OLIVAS, Pampanga - Nahaharap ngayon sa kasong summary dismissal ang isang kagawad ng PNP matapos na ito ay napatunayang nagpaputok ng kanyang service firearm habang sumasabay sa putukan sa pagsalubong sa bagong taon noong Lunes na nagresulta sa pagkasugat ng isang sibilyan matapos tamaan ng ligaw na bala.

Sa ulat na isinumite ni Police Regional Office 3 (PRO3) director Chief Superintendent Roberto Calinisan sa Camp Crame, nakilala ang pulis na nagpaputok ng baril na si SPO1 Luis Vizconde, nakatalaga sa Cabanatuan-PNP at miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group sa naturang lugar.

Ayon kay Calinisan, si Vizconde ay lumabag sa kautusan na itinatadhana ng pamunuan ng PNP na nagbabawal na magpaputok ng kanilang baril partikular na sa pagsalubong sa bagong taon.

Idinagdag pa sa ulat na si SPO1 Vizconde ay nagpaputok ng kanyang M-16 armalite rifle noong pagpasok ng bagong taon. Tinamaan ng ligaw na bala ang sibilyang si Leonardo Vicente, 26.

Ayon kay Calinisan, nagsampa na ng kasong summary dismissal proceedings ang tanggapan ng Central Luzon-PNP sa Camp Crame laban sa naturang pulis. (Ulat ni Jeff Tombado)

AYON

CALINISAN

CAMP CRAME

CENTRAL LUZON

CHIEF SUPERINTENDENT ROBERTO CALINISAN

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

JEFF TOMBADO

LEONARDO VICENTE

LUIS VIZCONDE

POLICE REGIONAL OFFICE

VIZCONDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with