Ama tinodas ng sariling anak
January 4, 2001 | 12:00am
LOPEZ, Quezon - Isang 46-anyos na ama ang iniulat na nasawi makaraang paluin ng dos-por-dos ng kanyang sariling anak matapos namang magwala ang una at habulin ng taga ang kanyang mga anak, kamakalawa ng umaga sa Barangay Canda Ibaba sa bayang ito.
Ang nasawi na nabasag ang bungo at nagkabalibali ang ilang buto sa katawan ay nakilalang si Francisco Villanueva, magsasaka, samantalang boluntaryo namang sumuko ang suspect na anak na nakilalang si Arthur Villanueva, 24, kapwa residente sa nabanggit na lugar.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, dakong alas- 8 ng umaga ay nakaupo sa labas ng kanilang bahay ang suspect at ang nakababata nitong kapatid na babae ng biglang dumating ang kanilang ama na noon ay lasing na lasing sa alak.
Walang sabi-sabing hinugot ng nasawi mula sa kanyang baywang ang isang itak nang makita nito ang kanyang mga anak at walang sabi-sabing inundayan ng taga ang mga ito na sa kabutihang palad ay nakailag.
Hindi pa tumigil ang biktima at hinabol pa rin ng taga ang kanyang mga anak.
Tinanong umano ni Arthur ang kanilang ama kung bakit sila tinataga, gayunman imbes na sumagot ay nagpatuloy sa pananaga ang matandang Villanueva.
Dahil dito, nakakuha ng isang dos-por-dos ang suspect at pinakiusapan ang kanyang ama na tumigil sa pagwawala subalit tila bingi na ito at nagpatuloy sa pag-atake sa kanyang mga anak hanggang sa mapilitan ng ipagtanggol ni Arthur ang kanyang sarili at pinalo sa ulo at katawan ang kanilang ama.
Tumigil lamang sa pagpalo ang anak nang makitang bumulagta na sa lupa ang matanda. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended