Simbahan niratrat: Pastor patay, 3 pa sugatan
January 3, 2001 | 12:00am
Isang pastor ang nasawi, samantalang tatlo pang sibilyan ang nasa malubhang kalagayan makaraang paulanan ng punglo ng hindi pa nakikilalang mga armadong kalalakihan ang isang simbahan sa bayan ng Magsaysay , Davao del Sur, ayon sa ulat ng militar kahapon.
Halos nagkabutas-butas ang katawan ng nasawi na tinukoy lamang sa pangalang Pastor Pelayo. Ang biktima ay nasawi noon din sa pinangyarihan ng krimen.
Kinilala naman ang mga malubhang nasugatan na sina Rufina Pelayo, Conchita Daya at Edwin Calampitan.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, tatlong grupo ang sinisilip ng mga imbestigador na posibleng may kagagawan sa naganap na insidente.
Una ay ang posibilidad na ang mga suspect ay miyembro ng mga rebeldeng NPA . Ikalawa ay posibleng mga elementong kriminal at ang pangatlo ay mga hired killers ng isa sa mga pulitikong nasagasaan sa pagsesermon at pangangaral ni Pastor Pelayo.
Nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-11:55 ng gabi ng bigla na lamang paligiran ng mga armadong kalalakihan ang Alliance Church na nasa Sitio Asbangsilok, Barangay Bacungan sa bayan ng Magsaysay at walang sabi-sabing pinaulanan ito ng bala ng baril.
Tumagal ng may ilang minuto ang paghahasik ng karahasan na ikinasawi ng biktima at pagkasugat pa ng tatlong sibilyang katulong sa simbahan.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang naturang insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended